Sino’ng mag-aakala na maging ang premyadong komedyante na si Roderick Paulate ay isa rin palang masugid na tagasubaybay ng online selling ng Founder/President ng Maddox Jewelry na si Ms. Charo Cordial?
Talagang sinadya pa ni Kuya Dick ang showroom ng Maddox Jewelry kung saan personal siyang inasikaso ni Ms. Charo.
May matagal nang diamond-studded bracelet si Kuya Dick na ayon sa kanyang pagkakatanda ay nabili niya noon sa halagang P2.9 million hanggang P3 million. Ngunit ayon kay Ms. Charo, bago pa man ito sumailalim sa testing, tantiya niyang aabot na ito sa halagang P5 million.
Bukod sa pagiging negosyante, kilala rin si Ms. Charo sa kanyang vlog bilang isang “curious Marites” na kayang magtanong ng mga shocking questions sa celebrities. Kaya naman diretsahan niyang tinanong si Kuya Dick kung may plano pa ba itong mag-asawa.

Sa edad na 66, nananatili pa ring single ang aktor.
“Malay mo naman… malay mo naman may magkagusto pa. Welcome! ‘Di ba, may kinuwento ako sa’yo? Minsan naiisip mo rin na gusto mong may asawa, may mamahalin, may kasama, may nagtatanong sa’yo kung okay ka ba.
“Kasi minsan, kapag masyado ka nang busy at palaging strong sa buhay, nakakalimutan na ng tao na tanungin ka kung okay ka lang ba. Ang tingin nila sa’yo, Superman ka — hindi nasasaktan. Pero gano’n talaga ang buhay. Ayoko namang magpakita na kawawa ako. Nandiyan ang Diyos, Siya ang kakampi mo. Hindi ka dapat humina,” emosyonal na pahayag ni Kuya Dick.
Ayon pa kay Kuya Dick, isa si Ms. Charo sa kanyang inspirasyon dahil sa pagiging simple nito kahit matagumpay na sa buhay. “
Gusto ko ‘yung gano’n, ‘yung nagsumikap pero simple pa rin.” Kung si Ms. Charo ay diretsahan kung magtanong, hindi rin nagpahuli ang komedyante at pabirong tinanong ito ng: “Bakit mura ka?”
Kilalang-kilala na kasi ang Maddox Jewelry dahil sa murang presyo pero siguradong legit at dekalidad ang mga alahas nito kumpara sa iba.
Sagot naman ni Ms. Charo: “’Yun po ang dinadayo nila sa amin, super mura. You know, we also have P6,998 diamond.”
Naikumpara pa tuloy ni Kuya Dick si Ms. Charo sa isa niyang Chinese friend dahil sa galing nito sa negosyo.
Pero paliwanag ni Ms. Charo, ang paglaki niya sa hirap ang dahilan kung bakit gusto niyang manatiling abot-kaya para sa masa ang kanyang mga paninda kahit maliit lang ang tubo.
“Ang purpose ko kasi hindi lang basta kumita. Kung pera lang ang iisipin ko, tataasan ko ang presyo. Pero bakit ko gagawin ‘yon kung hindi naman ako magiging masaya?”
Marami pang napagkuwentuhan sina Ms. Charo at Kuya Dick sa vlog na ito ng Maddox Jewelry.
Alamin din kung legit nga ba at magkano ang magiging halaga ng diamond-studded bracelet ng ina ng komedyante. Sa mga hindi pa naka-subscribe at follow sa kanilang social media pages: YouTube: @Maddox_Jewelry Facebook: D’ Maddox Jewelry TikTok: maddox.luxury

