COUNTER FLOW :: www.FlowGalindez.comCOUNTER FLOW :: www.FlowGalindez.com
  • Home
  • Entertainment
  • Lifestyle
  • Tech & Gadgets
  • Advocacy
  • Get In Touch
Facebook Twitter Instagram
Facebook Twitter Instagram
COUNTER FLOW :: www.FlowGalindez.comCOUNTER FLOW :: www.FlowGalindez.com
Subscribe
  • Home
  • Entertainment
  • Lifestyle
  • Tech & Gadgets
  • Advocacy
  • Get In Touch
COUNTER FLOW :: www.FlowGalindez.comCOUNTER FLOW :: www.FlowGalindez.com
Home»Event»>Uyayi para kay Nanay
Event

>Uyayi para kay Nanay

Flow GalindezBy Flow GalindezMay 10, 2008No Comments3 Mins Read
Facebook Twitter Pinterest LinkedIn Tumblr Email
Share
Facebook Twitter LinkedIn Pinterest WhatsApp Email

>

Saan natatapos ang pagiging isang ina? Natatapos ba ito sa panahong nailuwal na ang isang sanggol sa kanyang sinapupunan? Paano ang mga inang ipinagkait na mabiyayaan ng anak, hindi na ba sila maituturing na maging isang ina? Gayun din ang mga babaeng piniling mamuhay sa isang bokasyong malayo sa pagbuo ng pamilya ngunit mas malawak pa rito ang serbisyong pinili nila, mga babaeng naninilbihan bilang yaya, mga babaeng naglilingkod sa bahay ampunan at simbahan. Hindi ba sila matuturing na isang ina dahil wala silang masasabing anak na mula sa kanilang sinapupunan? Paano rin ang mga amang piniling maging ina sa kanilang anak dahil ang kanilang asawa ay nagtrabaho sa ibang bansa o namayapa na?

Naging isang malawak na responsibilidad na ang pagiging isang ina, natural man o bokasyon. Kung noon ang isang pagiging ina ay nalilimitahan lamang sa isang babaeng nagdala ng anak sa kanyang sinapupunan sa loob ng siyam na buwan at iniluwal ito mula sa kanyang dugo at laman. Ngayon unti unti nang nagbabago ang anyo at pananaw sa tinaguriang responsibilidad at obligasyon ng ilaw ng tahanan. Mula sa inang nagluluwal, patungo sa isang babaeng piniling mag ampon ng isang batang aankinin niyang bilang anak sa kadahilanang hindi niya kaya magbuntis. Habang ang ilang mga yaya at mga kasapi ng bahay ampunan ay naging ina rin dahil ang responsibilidad ng pagkalinga at ang pagturing sa isang batang kapos sa pag aalaga ng totoong ina ay isang kapamilya. Kasama na rin ang mga yaya at mga naninilbihan sa mga bahay ampunang nagsilbing ikalawang ina na siyang pumuno sa kapos na kalinga ng mga mga inang nagtratrabaho at mga inang tinalikuran ang kanilang mga responsibilidad. Ito ang mga babaeng pinili ang bokasyon na maging isang inang ng mga batang hindi man lang nagmula sa kanila pero dahil sa tawag ng pagkalinga, pagkupkop, at pagmamahal ay tinanggap nila ito bilang nagmula rin sa kanila. Sa mga amang naging ilaw na rin ng tahanan na tinanggap ang responsibilidad nito na gabayan ang mga anak na iniwan sa kanya ng kanyang nagtratrabahong asawa o namayapa na. Ang mga inang nasa ibang panig ng bansa na nagtratrabaho upang mapunan ang pangangailangan ng pamilya lalo na ng mga anak. Tiniis ang mga malulungkot na gabi na malayo sa yakap ng mga anak para sa tawag ng trabaho.

Bilang pakikibahagi sa Mother’s Day Celebration, isang pagpupugay sa inyong mga inang tiniis at di inalintana ang siyam na buwang pagdala ng inyong mga anak sa sinapupunan hanggang sa pagluwal, sa mga inang kumupkop ng mga anghel na nangangailangan ng pagmamahal at pagkalinga, sa mga babaeng pinili ang bokasyon bilang maging ikawalang ina sa mga batang kapos sa pag aruga, sa mga amang tumayo na rin sa responsibilidad na maging ina sa mga anak, at sa mga inang lumayo sa mga pamilya at anak para magtrabaho sa malayong bansa isang pagkilala sa inyong mga kadakilaan. Iba iba man ang ibig sabihin ng salitang ina, pero isa lang ang ibig sabihin ng salitang ito kundi pagmamahal.

Subscribe to Email Blast

addthis_pub = ‘YOUR-ACCOUNT-ID’;

http://feeds.feedburner.com/blogspot/pTdR

Share. Facebook Twitter Pinterest LinkedIn Tumblr Email
Previous Article>Malayang Pamamahayag, Malayang Pagpapahayag!
Next Article >Sharon Cuneta stars in Star Cinema’s Caregiver
Flow Galindez
  • Website
  • Facebook
  • Twitter
  • Instagram

Follow me on Twitter and Instagram - @flowgalindez

Related Posts

Tom Aspinall vs. Ciryl Gane to headline UFC® 321 in Abu Dhabi. Tickets now available

July 27, 2025

Here’s how to score tickets to Acer Day 2025’s ‘Break A Limit’ concert

July 26, 2025

Enjoy 50% Student Discount on Peter and the Wolf & Little Red Riding Hood, August 3 at 7 PM

July 26, 2025

Comments are closed.

Latest Posts

From the makers of KinnPorsche comes Shine, a bold new BL romance drama premiering this August

July 27, 2025

Tom Aspinall vs. Ciryl Gane to headline UFC® 321 in Abu Dhabi. Tickets now available

July 27, 2025

GMA Integrated News preps for expansive multi-platform coverage of State of the Nation Address 2025

July 27, 2025

iWant debuts fresh look and unrivaled Filipino content as the “Home of Filipino Feels”

July 27, 2025




Contact Us

Facebook | Youtube | Twitter | Instagram
Email us @ flowgalindezblog@gmail.com

Stay In Touch
  • Facebook
  • Twitter
  • Instagram
  • YouTube
  • TikTok
© 2025 FlowGalindez.com.
  • Home
  • Entertainment
  • Lifestyle
  • Tech & Gadgets
  • Advocacy
  • Get In Touch

Type above and press Enter to search. Press Esc to cancel.