COUNTER FLOW :: www.FlowGalindez.comCOUNTER FLOW :: www.FlowGalindez.com
  • Home
  • Entertainment
  • Lifestyle
  • Tech News
  • Advocacy
  • Get In Touch
Facebook Twitter Instagram
Facebook Twitter Instagram
COUNTER FLOW :: www.FlowGalindez.comCOUNTER FLOW :: www.FlowGalindez.com
Subscribe
  • Home
  • Entertainment
  • Lifestyle
  • Tech News
  • Advocacy
  • Get In Touch
COUNTER FLOW :: www.FlowGalindez.comCOUNTER FLOW :: www.FlowGalindez.com
Home»Current Events»>Senator Noynoy Aquino will undergo retreat first before giving his decision
Current Events

>Senator Noynoy Aquino will undergo retreat first before giving his decision

FlowBy FlowSeptember 3, 2009No Comments4 Mins Read
Facebook Twitter Pinterest LinkedIn Tumblr Email
Share
Facebook Twitter LinkedIn Pinterest WhatsApp Email Reddit

>

Matapos magbigay ng daan at suporta si Senator Mar Roxas sa kanyang kasama sa Liberal Party na si Senator Noynoy Aquino para sa tagtakbo nito sa pagkapangulo noong August 2 sa Club Filipino sa Green Hills San Juan ay nagbigay din ng kanyang press conference si Noynoy naman noong August 3 sa parehong lugar kung saan nagbigay ng statement si Mar ngunit hindi niya tuwirang sinabi na tatakbo siya sa 2010 Election.

Narito ang kumpletong statement ni Senator Noynoy Aquino sa kanyang press conference:

“Mga minamahal kong kababayan,

Kagabi, nasaksihan natin ang isang di-pangkaraniwang kaganapan. Sinabi ng aking matalik na kaibigang si Senador Mar Roxas na magsanib kami upang harapin ang napakalaking hamon upang baguhin ang ating lipunan. Umaapaw po ang paghanga at paggalang ko kay Mar sa kanyang pagsasaalang-alang ng kanyang personal na ambisyon para sa pagkakaisa ng aming Partido at para sa higit na mataas na mithiin na kapwa naming inaasam para sa ating Bayan.

Senator Roxas’ sacrifice is the finest example of selflessness that our nation sorely needs in these morally troubled times. Tulad po ng kanyang sinabi kagabi, kalimutan po muna natin ang ating mga sarili—dahil ang laganap na pagtingin sa pansariling kapakanan ang mismong ugat ng kasakiman at pagkakawatak-watak na sumisira sa ating lipunan.

Kasama po ako ni Mar sa mas malaking labang ito. At sana kasama rin namin ang bawa’t Pilipinong naniniwala sa angking kalinisan ng loob ng karamihan ng ating mga kababayan at naghahangad ng isang bansang tunay nating maipagmamalaki.

Ang usapin pong ito ay di tungkol sa akin o kay Mar. Ang mahalaga pong malaman ay kung kasama namin kayo sa misyon ng tunay na pagbabago. Hindi po madali ang misyong ito, dahil matindi ang kabulukang bumabalot sa ating lipunan. Ngunit hindi imposibleng makamit ang ating mga pinakamimithi para sa Pilipinas. At ito ay magsisimula sa bawa’t isa sa atin. Sa dakong ito, dapat pong tanungin natin ang ating mga sarili: handa rin ba akong mag-sakripisyo para sa bayan?

Sa mga nalalabing araw ng aming pagluluksa at pagdadalamhati sa pagpanaw ng aming mahal na ina, sisikapin ko pong taus-pusong sagutin ang katanugang ito. Sana maunawaan po ninyo ito.

This weekend, I will be going on a spiritual retreat. As I pray for discernment and divine guidance, I urge you to pray with me so that you too can assess your own readiness to take part in the difficult struggle ahead. We are in this together.

Anuman ang mangyari, tandaan po ninyo ito:

Nilabanan ng aking amang si Ninoy Aquino ang lahat ng katiwalian at pang-aabusong sumira sa ating bayan. Nang siya ay pinaslang, pinagpatuloy ng aking inang si Cory Aquino ang Laban para mapanumbalik ang ating demokrasya at ang dangal ng bawa’t Pilipino. Nakamit po nating muli ang ating kalayaan di lamang dahil sa sakripisyo ng aking ina, kundi dahil tumaya din ang milyon- milyong Pilipino.

Ngayong umaatras muli ang ating bayan patungo sa bangin ng kapahamakan, panahon muli upang manindigan! Panahon ding maghanda para sa isang mas mahaba at matinding Laban, kung saan walang bibitiw hanggang makamit natin ang pagbabagong ating hinahangad.
Hindi ko po tatalikuran ang hamong ito! Sana’y kasama ko kayong lahat sa Laban.

Maraming salamat po!”

Ngayong September 4 ay nakatakdang makipag usap si Noynoy sa isang kaalyado nila sa Davao at pagkatapos nito ay tutulak siya sa isang kumbento sa Zamboanga para mag-retreat at magdasal bago siya magdesisyon kung tatakbo siya sa 2010 Election kagaya ng kanyang inang si President Corazon Aquino noong snap election.

Hindi man tuwiran ang pagsabi niyang tatakbo siya ay sinabi naman ni Noynoy na hanga siya ang ginawang sakripisyo ni Mar. Ayon kay Noynoy ay sana daw ay kasama nila ni Mar ang taong bayan sa misyon nila ng tunay na pagbabago. Ayon naman sa kapatid nitong si Balsy Aquino na kapatid ni Noynoy na hayaan muna nila ito na makapag isip at hintayin matapos ang 40 days ni Tita Cory. Habang si Kris naman ay handing sumuporta sa kanyang kapatid na siyang pinangako nito sa kanyang ina na hindi nila iiwan si Noynoy.

At kung sakaling tumakbo man si Noynoy ay handang umatras si Gov Ed Panlillo para suportahan ito habang si Bongbong Marcos naman ay handang tulungan at suportahan si Noynoy.

var addthis_pub=”angsawariko”;

Bookmark and Share


Subscribe to RSSPhotobucket

http://feeds.feedburner.com/blogspot/pTdR

Share. Facebook Twitter Pinterest LinkedIn Tumblr Email Reddit
Previous Article>Mar Roxas steps down and supports Nonoy Aquino running for President
Next Article >Mar Roxas for Vice President?
Flow
  • Website
  • Facebook
  • Instagram

Related Posts

An Al Fresco Live Concert and Film Screening at MiraNila Heritage House Set for February 5, 2026

December 7, 2025

Angara hails Team Philippines strong 4th place finish at ASEAN School Games 2025

November 29, 2025

Reward your cravings with the new EastWest foodpanda Visa credit card

November 29, 2025

Comments are closed.

Latest Posts

It All Started In May drops “Naaalala” and signs on as LYRIC’s new brand ambassador

December 7, 2025

An Al Fresco Live Concert and Film Screening at MiraNila Heritage House Set for February 5, 2026

December 7, 2025

Pandora delivers a curated guide to festive styling

December 7, 2025

Rising Waters, Raising Rights: Human Rights film program launch with online screenings and Philippine kickoff at UPFI

December 7, 2025
Contact Us

Facebook | Youtube | Twitter | Instagram
Email us @ [email protected]

Stay In Touch
  • Facebook
  • Twitter
  • Instagram
  • YouTube
  • TikTok




© 2025 FlowGalindez.com.
  • Home
  • Entertainment
  • Lifestyle
  • Tech News
  • Advocacy
  • Get In Touch

Type above and press Enter to search. Press Esc to cancel.