COUNTER FLOW :: www.FlowGalindez.comCOUNTER FLOW :: www.FlowGalindez.com
  • Home
  • Entertainment
  • Lifestyle
  • Tech News
  • Advocacy
  • Get In Touch
Facebook Twitter Instagram
Facebook Twitter Instagram
COUNTER FLOW :: www.FlowGalindez.comCOUNTER FLOW :: www.FlowGalindez.com
Subscribe
  • Home
  • Entertainment
  • Lifestyle
  • Tech News
  • Advocacy
  • Get In Touch
COUNTER FLOW :: www.FlowGalindez.comCOUNTER FLOW :: www.FlowGalindez.com
Home»Advocacy»>Consensus Bill on Population: Isang sesyon mula at para sa Pinoy!
Advocacy

>Consensus Bill on Population: Isang sesyon mula at para sa Pinoy!

FlowBy FlowSeptember 30, 2010No Comments2 Mins Read
Facebook Twitter Pinterest LinkedIn Tumblr Email
Share
Facebook Twitter LinkedIn Pinterest WhatsApp Email Reddit

>Kung usaping programang pampopulasyon ang pag-uusapan, ilang dekada na ang nakalilipas mula nang huli itong marebyu at napagtuunan ng pansin. Sa ilalim ng iba’t-ibang administrasyon, malinaw ang pagpapahalagang itinutuon ng kung sino mang nasa posisyon sa sandaling makita ang mga programang pampopulasyon na nailatag sa naturang panahon.

Ang grupo ng Mulat Pinoy ay binuo upang iulat ang mga impormasyon ukol sa iba’t ibang isyung ating kinakaharap lalo na sa usaping populasyon at pagbabago. Nais din ng grupo na bigyan ng kapangyarihan sa pamamagitan ng edukasyon at makabuluhang talakayan ang mga Pinoy sa tulong na rin ng Internet. Naglalayon itong malaman at ipaalam ang sasabihin ng mga kandidato sa bawat isyung kinakaharap ng bansa, lalong higit sa usaping Population and Development (PopDev). Kabilang dito ang mga Kapihan Sessions kung saan ang mga eksperto sa usaping PopDev, maging mga personalidad sa larangan ng media, ay inaanyayahan upang ibahagi ang mga kaalaman, karanasan, at repleksyon sa pagkakabit ng usaping ito sa iba’t ibang perspektibo. Sa darating na Oktubre 9, 2010, isang sesyon ang itinalaga sa upang sagutin ang mga katanungan sa nakaambang paglatag ng Consensus Bill on Population na pangungunahan nila dating senador Vicente Paterno, na siyang pinuno ng Joint Steering Committee ng CBP, kasama si David Balangue ng Makati Business Club (MBC).

Sinasabi na ang populasyon ang siyang tinitingnang pangunahing elemento kung saan nakaugnay ang iba pang mga sistema tulad ng edukasyon, pangangalakal, ekonomiya, kalusugan at iba pang mga sektor.

Sa bansang tulad ng Pilipinas, ang populasyon ay isa sa mga maiinit na isyu, katulad ng mga panguhanahing pangangailangan, pagkain, pabahay, edukasyon na hindi pantay-pantay na natatamasa ng isang karaniwang pinoy. Ang iba pang panlipunang kalagayan tulad ng kahirapan, kagutuman, usaping gender, at pangangalaga ng kalikasan ay nakaangkla sa paglaki ng populasyon sa isang bansa.

Ang Kapihan Session sa pamumuno ng Mulat Pinoy at sa pakikipagtulungan ng Probe Media Foundation, Inc. (PMFI) at ng Philippine Center for Population and Development (PCPD) ay gaganapin sa ika-9 ng Oktubre, 2010 sa ganap na ika-3:30 hanggang ika-6 ng hapon sa Annabel’s Restaurant, Tomas Morato, Quezon City. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang Mulat Pinoy website (www.mulatpinoy.ph) o ang Facebook, Multiply at iba pang social media network accounts nito.

Subscribe to my RSS Feed via email! Enter your email address below:

Delivered by FeedBurner

http://feeds.feedburner.com/blogspot/pTdR

Share. Facebook Twitter Pinterest LinkedIn Tumblr Email Reddit
Previous Article>The White Hat Italian Frozen Yogurt launches Dolce Italia Hat
Next Article >Ateneo de Manila University Blue Eagles wins the UAAP Season 73 crown
Flow
  • Website
  • Facebook
  • Instagram

Related Posts

SM Cares delivers over 70,000 books to library communities nationwide

December 3, 2025

Angara hails Team Philippines strong 4th place finish at ASEAN School Games 2025

November 29, 2025

Reward your cravings with the new EastWest foodpanda Visa credit card

November 29, 2025

Comments are closed.

Latest Posts

Get discounted MRT-3 rides with GCash from December 8 to 22

December 4, 2025

Your bonus just dropped and here’s how to make it work harder with Maya

December 4, 2025

Ayala Malls Cinemas launches a fun-filled family adventure with “Zootopia 2”

December 4, 2025

Maka Lovestream ends the year with a heartwarming three-part musical finale

December 4, 2025
Contact Us

Facebook | Youtube | Twitter | Instagram
Email us @ [email protected]

Stay In Touch
  • Facebook
  • Twitter
  • Instagram
  • YouTube
  • TikTok




© 2025 FlowGalindez.com.
  • Home
  • Entertainment
  • Lifestyle
  • Tech News
  • Advocacy
  • Get In Touch

Type above and press Enter to search. Press Esc to cancel.