COUNTER FLOW :: www.FlowGalindez.comCOUNTER FLOW :: www.FlowGalindez.com
  • Home
  • Entertainment
  • Lifestyle
  • Tech & Gadgets
  • Advocacy
  • Get In Touch
Facebook Twitter Instagram
Facebook Twitter Instagram
COUNTER FLOW :: www.FlowGalindez.comCOUNTER FLOW :: www.FlowGalindez.com
Subscribe
  • Home
  • Entertainment
  • Lifestyle
  • Tech & Gadgets
  • Advocacy
  • Get In Touch
COUNTER FLOW :: www.FlowGalindez.comCOUNTER FLOW :: www.FlowGalindez.com
Home»Opinion»>President Gloria Macapagal Arroyo State Of the Nation Address 2008: Handa Ka Na Ba?
Opinion

>President Gloria Macapagal Arroyo State Of the Nation Address 2008: Handa Ka Na Ba?

Flow GalindezBy Flow GalindezJuly 26, 2008No Comments3 Mins Read
Facebook Twitter Pinterest LinkedIn Tumblr Email
Share
Facebook Twitter LinkedIn Pinterest WhatsApp Email

>

http://www.youtube.com/get_player


Muli na naman haharap si PGMA sa tao para ibigay ang mga pangyayari sa loob ng kanyang pamamahala ng bansa sa kanyang State of the Nation Address. Kung noon ay sinabi niyang matatag ang republika ng bansa sa isang taong lumipas masasabi pa ba ni President Gloria Macapagal Arroyo na maayos pa ang nangyayari sa kanyang gobyerno.

Sa Edukasyon – natupad na ba ang 1 book per student policy? O sa kasamaang palad ay mas dumami pang mga silid aralan ang kailangan ayusin dahil sa mga nagdaang kalamidad. Gayun din ang di mapigilang pagtaas ng matrikula na nagiging resulta sa pagtigil ng ilang mga estudyante dahil wala nang sapat na panustos sa tuition si Juan dela Cruz para sa knayang mga anak. Maaaring sabihin ng PGMA na pinatigil na niya ang mga pagtaas na ng matrikula sa mga pampublikong paaralan pero kung aalalahanin tila huli na ang pangulo sa kanyang pag utos dahil nag umpisa na at marami nang nakapag enrol noong nagbigay siya ng kanyang kautusan. Hindi sagot ang no-uniform policy na isa sa mga suggestions niya, mas magkakaroon pa nga lalo ng problema ang mga magulang kung anong isusuot ng kanilang mga anak. Sana ngayong SONA may mas maayos na panukala si Gloria sa edukasyon mula sa polisiya sa kagamitan sa paaralan, abot kayang matrikula, pasahod sa mga guro at higit sa lahat ang quality ng education na nakukuha ng mga mag aaral.

Sa Trabaho – ilan ang nagsipagtapos noong Mayo? Pero ang mas malaking katanungan ilan lang ang pinalad na magkatrabaho? Taon taon ilang libo ang nadadagdag sa populasyon ng mga taong walang trabaho, maaaring isagot ng pangulo na may mga Job Bazaar na nagaganap sa mga mall at mga ibang lugar, pero ang mga ito ay panandalian lamang, mayroon na bang kongkretong sagot sa taunang paglobo ng dami ng mga unemployed sa bansa at ang sagot ay WALA PA.

Sa Pagkain – pagkain sa bawat mesa, ito ang pangako ng pangulo, pero dahil sa pagtaas ng mga presyo ng mga bilihin masasabi pa ba ni PGMA na may sapat na pagkain pa ba sa mesa ni Juan dela Cruz? May subsidiary ngang pinamimigay mula sa katas ng VAT, pero hanggang kainlan ang paglilimos na ito sa mga tao? Pagkatapos ng kanyang termino ano na ang mangyayari? Sana sa SONA may maayos nang patakaran kontra sa pagtaas ng presyo ng pamilihin at hindi ang mabilisang pagpapaganda lamang ng imahe, hindi nanglilimos ang tao na kailangan pumila sa ilalim ng araw para kunin ang subsidiary nila.

Magulo man ang nilalaman ng blog entry kong ito pero sana ang SONA na makikita natin ay hindi lamang sa pagreresbak sa mga kritiko, hindi lamang fashion show sa hallway ng Kamara, at mga pangakong aahon tayo at statistics, kundi isang maayos na sagot at plano para IAHON ang bayan mula sa kumakalam nitong sikmura, butas nitong bulsa, mangmang nitong kaisipan at ang kanser na patuloy pa ring pumapatay sa kanyang kalusugan.

SANA SA SONA MAY PLANONG KONGKRETO SI GLORIA!

Subscribe to Email Blast

addthis_pub = ‘YOUR-ACCOUNT-ID’;

http://feeds.feedburner.com/blogspot/pTdR

Share. Facebook Twitter Pinterest LinkedIn Tumblr Email
Previous Article>Phoemela Baranda is Maxim Philippines – August Cover Girl
Next Article >Nurse Licensure Examination Results
Flow Galindez
  • Website
  • Facebook
  • Twitter
  • Instagram

Follow me on Twitter and Instagram - @flowgalindez

Related Posts

“EVERYBODY, SING!” Special makes viewers miss life before the pandemic

September 28, 2021

Let’s talk about Cybercrime Prevention Law in the Philippines and why I’m against it

October 2, 2012

President Aquino signs Republic Act 10175 or the Cybercrime Prevention Act of 2012

September 16, 2012

Comments are closed.

Latest Posts

Jollibee introduces new chicken sandwich flavors with Andres Muhlach as brand endorser

June 30, 2025

SM empowers smallholder farmers through livelihood and training programs

June 29, 2025

Liam Neeson stars in action-comedy film The Naked Gun

June 29, 2025

Café Bateel introduces artisanal sourdough pizza collection across UAE and KSA

June 29, 2025




Contact Us

Facebook | Youtube | Twitter | Instagram
Email us @ flowgalindezblog@gmail.com

Stay In Touch
  • Facebook
  • Twitter
  • Instagram
  • YouTube
  • TikTok
© 2025 FlowGalindez.com.
  • Home
  • Entertainment
  • Lifestyle
  • Tech & Gadgets
  • Advocacy
  • Get In Touch

Type above and press Enter to search. Press Esc to cancel.