COUNTER FLOW :: www.FlowGalindez.comCOUNTER FLOW :: www.FlowGalindez.com
  • Home
  • Entertainment
  • Lifestyle
  • Tech & Gadgets
  • Advocacy
  • Get In Touch
Facebook Twitter Instagram
Facebook Twitter Instagram
COUNTER FLOW :: www.FlowGalindez.comCOUNTER FLOW :: www.FlowGalindez.com
Subscribe
  • Home
  • Entertainment
  • Lifestyle
  • Tech & Gadgets
  • Advocacy
  • Get In Touch
COUNTER FLOW :: www.FlowGalindez.comCOUNTER FLOW :: www.FlowGalindez.com
Home»Current Events»>Looking Back at People Power 2, isn’t worth it?
Current Events

>Looking Back at People Power 2, isn’t worth it?

Flow GalindezBy Flow GalindezFebruary 20, 2008No Comments4 Mins Read
Facebook Twitter Pinterest LinkedIn Tumblr Email
Share
Facebook Twitter LinkedIn Pinterest WhatsApp Email

>
Katulad ng sinabi ni CBCP President Angel Lagdameo, nakakadismaya kung muli nating aalalahanin kung ano ang nangyari sa People Power 2. Marahil dahil na rin sa mga nangyayaring ganito mula sa issue ng corruption sa gobyerno, mga red tape at mga di mapaliwanag na bayaran at suhulan sa mga kontrata ng mga transaction sa ibang bansa at pati dito sa atin. Kung iisipin natin nauulit na naman ang noong akala natin ay naputol na at nasugpong kultura ng katiwalian sa ating pamahalaan.

Ang noong hinahangaan ng buong mundo na Edsa revolution na nagpatalsik sa diktadorya ng isang pangulo, at ang People Power 2 na sumipa sa pangulong naggaman ng salapi ng bansa ay tila siya ring daan ng pagluklok ng mas gahaman at tiwali pang pangulo kasama ang ilan sa mga opisyal na ang inisip ay magpakapal ng kanilang mga bulsa mula sa pagnanakaw mula sa buwis ng bayan.

Nararamdaman ko ang hinagpis at opinyon ng dating cabinet member ni President Gloria Macapagal Arroyo na si Emilia Boncodin, na ngayon ay parte ng controversial na Hyatt 10 o mga kabineteng nagresign dahil sa kainitan ng issue ng Hello Garci Scandal. Ayon sa kanya hindi naman lahat ng opisyal ay corrupt at sila ay pawang nasasama lang sa mga katiwalian na kapwa pulitiko nila. Nanawagan siya na sana si Cabinet Member Romulo Neri na pumanig na sa katotohan, alinsunod sa panawagan na ito may ilang mga cabinet officials na ang tumiwalag sa pangulo at ilan naman ay nananatili sa panig ng administrasyon.

Ngaunit sa kabila nitong mga panawagan ay patuloy pa rin ang paninindigan ng Pangulo na manatili sa kanyang posisyon kasama na rin ang kanilang pagpapahayag na buo pa rin ang kanyang administrasyon at loyal pa rin ang kanyang mga cabinete sa kanya na ipinakita nito sa pamamagitan ng kanilang unity walk na una nilang ginawa noong Hello Garci Scandal. Pero ang isang malaking katanungan hanggang saan mananatiling matatag ang sinasabing cabinete at administrasyon ni PGMA.

Patuloy na ang linngo linggong interfaith mass na gagawin sa iba’t ibang pamantasan kagaya ng nauna sa La Salle Greenhills at pinagpatuloy kamakainlan lang sa Ateneo De Manila University, mayroon na ring mga noise barrage na nagpapakita sa pagkondena sa katiwaliian ng pangulo.

Habang sa senado naman ay patuloy nag iinit ang mga usapan, diskusyunan at sigalot sa isa’t isa mula sa maka-administrasyon at maka-opposisyon. Tila nagiging personal na ang issue ng ZTE Scandal na kung saan nasira ang dating maayos na samahan ni PGMA at nang dating House Speaker na si Jose De Venecia na ngayong ordinaryong Congressman na lang at pinalitan ng dating kaibigan na si Prospero Nograles, napuyat tayo sa pagsunod ng anong mangyayari sa Kamara, pero ang tanging tanong natin bibitaw ba sa administrasyon si JDV o hindi? Isang personal na away na umugat sa mga anak, mula kay Joey de Venecia na nagsiwalat ng ZTE Scandal at ang pagresbak ng mga inaanak ni JDV na sila Mikee at Datu Arroyo para patalsikin ang kanilang ninong.

Hindi pa rin natatapos ang sigalot dahil nagbanta si Senadora Jamby Magrdigal na uungkatin ang personal na buhay ni Neri, tila nagiging masyado nang personal ang dapat trial para sa bayan. Issue kung sinabi bang evil si Neri o hindi sa PGMA, at handa si Senador Ping Lacson para patotohanan ang mga “selective amnesia” ng nasabing cabinet secretary na si Romulo Neri.

Sa lahat ng pangyayaring ito magkakaroon ba ng panibagong People Power Rally? Muli ba tayong babalik sa EDSA upang patalsikin ang isang tiwaling pangulo? Kung sakali man, muli ka bang lalahok sa panawagan nito? Dalawang taon na lang ang natitira para sa nalalapit na national election, sa mga nagpaparamdam na tatakbo sa 2010, makikiawait ka ba sa mga mala musika nilang mga tinig? Nasaan ang paninindigan mo ngayon? O mananatili ka na lang manonood sa mga nangyayari sa napakakumportable mong upuan at maghihintay sa kahihinatnan ng lahat na nangyayari.

http://feeds.feedburner.com/blogspot/pTdR

Share. Facebook Twitter Pinterest LinkedIn Tumblr Email
Previous Article>All about CHOICES
Next Article >Sharon Cuneta Interview
Flow Galindez
  • Website
  • Facebook
  • Twitter
  • Instagram

Follow me on Twitter and Instagram - @flowgalindez

Related Posts

Dubai Premier Padel P1 sets record with 7,000-seat centre court at Hamdan Sports Complex

May 12, 2025

Baniyas holds the lead in third round of Khaled bin Mohamed bin Zayed Jiu-Jitsu Championship

May 4, 2025

UAE Jiu-Jitsu Federation gears up for 2025 season and Abu Dhabi World Pro

April 20, 2025

Comments are closed.

Latest Posts

“A Big Bold Beautiful Journey” coming soon to Philippine cinemas

June 8, 2025

Celebrate Pride Month with restored Filipino film classics T-Bird at Ako and Mga Anak ni Facifica Falayfay at Ayala Malls Cinemas

June 8, 2025

PETA Theater brings back “Walang Aray”

June 8, 2025

Meet GMA Network’s star-studded judging panel for “Stars on the Floor”

June 8, 2025




Contact Us

Facebook | Youtube | Twitter | Instagram
Email us @ flowgalindezblog@gmail.com

Stay In Touch
  • Facebook
  • Twitter
  • Instagram
  • YouTube
  • TikTok
© 2025 FlowGalindez.com.
  • Home
  • Entertainment
  • Lifestyle
  • Tech & Gadgets
  • Advocacy
  • Get In Touch

Type above and press Enter to search. Press Esc to cancel.