Last Friday, August 14, 2009 pinatawag ni Senator Miriam Defensor Santiago ang mga ilang politicians at cabinet secretaries para pagpaliwanagin ito at sermunan patungkol na rin sa mga infomercials na nilalabas nila na kung saan ang karamihan ng gastusin para ipalabas dito ay nagmumula sa kaban ng bayan o sa buhis na binabayaran ng taong bayan. Para kay Senator Miriam Defensor Santiago naging behikulo na ito para sa mga taong nagnanais na tumakbo sa darating na 2010 election at para na rin makalibre sa gastusin nila sa kanilang maagang pangangampanya.
Pero ipinagtanggol naman ni Department of Health Secretary Francisco Duque ang gastusin niya sa kanyang infomercials para sa DOH na umabot na sa 32.4 million. Para sa kanya ay ang ginawa nilang infomercials ay para ipabalita ang nagaganap sa bansa lalo na sa aspeto ng kalusugan at ang mga ilan dito ay patungkol sa A(H1N1), Dengue at ilan pang mga sakit. Sa kabila ng pagpapaliwanag ni Duque ay sinagot ni Senator Santiago bakit kailangan pa siya ang humarap at hindi ang mga ibang tao mula sa kanyang sangay o gumawa ng ibang paraan para hindi siya mismo ang haharap sa camera. “Bilang pinuno ng kagawaran ay dapat siguro panindigan ko ang ating mga programa” ito ang mabilis niyang sagot.
Habang Metro Manila Development Authority Secretary Bayani Fernando Jr na kung saan nagpahayag na tatakbo sila sa Presidential Election sa 2010 at gumastos na 5.8 million para sa infomercials at si Department of Education Secretary Jesli Lapus ay nakapaglabas na ng 2.5 million at tanging tuwing papalapit lamang ang pasukan siya naglalabas ng infomercials. Ayon kay Secretary Lapus ay may karapatan siyang lumabas sa infomercials dahil sa kanyang “past life” siya ay model ng Triumph na isang brand ng bra at panty na kung saan nagresulta sa tawanan ng mga taong nasa loob session hall.
Pero ang dating nagkaayos na magkalaban sa pulitika na sina Senator Loren Legarda at Vice President Noli de Castro ay muntikan nang magkainitan matapos tanungin ni Legarda ang paggastos sa humigit na 172 million ni de Castro para sa Pag-ibig. Ayon kay de Castro ay may mas credibility siyang lumabas sa infomercials dahil siya ang chairman ng Pag-ibig at Housing of Urban Developing Coordinating Council kaysa gumastos pa para magbayad ng ibang tao. Pero hindi sumang ayon si Legarda sa bagay na ito at ayon sa kanya ay sumasang ayon siya kay Santiago na hindi dapat at “there is nobody has the monopoly of talent and voice in the country.” Bago mas magkainitan ay pinigilan sila ni Santiago.
Gusto papanagutin ni Santiago ang mga cabinet secretaries na ginagamit ang pondo ng bayan para sa sarili nilang pangangampanya.
Ang stand ko sa issue na ito basahin sa angsawariko.blogspot.com
***Image courtesy of TV Patrol World
No comments